NIOSHTIC-2 Publications Search

Protektahan ang sarili: mga kemikal na panlinis at Iyong kalusugan.

Authors
NIOSH
Source
Cincinnati, OH: U.S. Kagawaran ng Kalusugan at Human Serbisyo, ang Public Health Service, ang Sentro para sa Disease Control at Prevention, Pambansang Institute para sa trabaho Kaligtasan at Kalusugan, DHHS (NIOSH) Publication Numero 2012-125tgl, 2012 Jul; :1
NIOSHTIC No.
20041153
Abstract
Ang paggamit ng mga kemikal na panlinis ay maaaring magdulot ng: 1. Pag-ubo; 2. Paghuni; 3. Mapula, Makating mga Mata; 4. Pamumutlig ng Balat; 5. Pagkasunog ng Balat at Mata; 6. Pagkahapo; 7. Pananakit ng Lalamunan; 8. Mga Pananakit ng Ulo o Pagkahilo; 9. Mga Balinguynguy; 10. Hika. Kung ikaw ay mayroong mga problemang pangkalusugan na sa iyong palagay ay dulot ng paggamit ng mga kemikal na panlinis, sabihin sa iyong superbisor at hilingin na magpatingin sa isang doktor. Ano ang Kailangan Mong Malaman: Huwag haluin ang mga produktong panlinis na naglalaman ng bleach at amonya. Mga gas na mapanganib ay maaaring mapakawalan at maaaring magdulot ng malalang pinsala sa baga. Ang iyong pinagtatrabahuhan ay kailangang maglaan ng isang ligtas na lugar ng trabaho na mayroong: 1. Sapat na bentilasyon (daloy ng hangin) kapag gumagamit ng mga kemikal na panlinis. 2. Pamproteksiyong damit, guwantes at mga pangkaligtasang kasuotan sa mata, kapag kailangan. 3. Mga etiketa sa mga sisidlan ng mga kemikal na panlinis. 4. Pagsasanay ukol sa mga peligro ng mga kemikal na panlinis na iyong ginagamit at mga ligtas na kasanayan sa trabaho. Ikaw ay nararapat na sanayin ng iyong pinagtatrabahuhan na: 1. Alamin ang mga peligro ng mga kemikal na panlinis BAGO ito gamitin. 2. Alamin kung paano gumamit at mag-imbak ng mga kemikal na panlinis nang ligtas. 3. Alamin kung paano at kailan palalabnawin ang mga kemikal na panlinis na iyong ginagamit. 4. Alamin kung ano ang gagawin kapag may natapon o ibang emerhensiya. 5. Alamin kung paano kumuha at gumamit ng impormasyon sa peligro sa mga etiketa at mga papel ng mga datos ukol sa kaligtasan ng materyal (material safety data sheets, MSDS). 6. Alamin kung paano at kailan gagamit ng pamproteksiyong damit, guwantes at mga pangkaligtasang kasuotan sa mata. Tandaan: Hugasan ang iyong mga kamay pagkatapos gumamit ng mga kemikal na panlinis at bago kumain, uminom, o manigarilyo. Ang dokumentong ito ay magagamit din sa: <a href="http://www.osha.gov/Publications/3511-CleanChemicalChinese.pdf"target="_blank">Chinese.</a>
Keywords
Respiratory-irritants; Eye-irritants; Skin-irritants; Cleaning-compounds; Household-bleach; Lung-disorders; Respiratory-system-disorders; Pulmonary-system-disorders; Gloves; Personal-protective-equipment; Personal-protection; Protective-clothing; Safety-equipment; Safety-glasses; Safety-practices; Eye-protection; Eye-protective-equipment; Training; Surveillance-programs
CAS No.
7664-41-7; 7782-50-5
Publication Date
20120701
Document Type
Numbered Publication
Fiscal Year
2012
Identifying No.
DHHS (NIOSH) Publication No. 2012-125tgl; B08012012
NIOSH Division
DSHEFS
Source Name
Pambansang Institute para sa trabaho Kaligtasan at Kalusugan
State
OH
Page last reviewed: May 11, 2023
Content source: National Institute for Occupational Safety and Health Education and Information Division